Wala nanamang kuryente!
"Wala ka pala eh.." sabi pa ng mokong! (Peace tayo esdi!hehe!)
Sabi ko mga barkada niya siguro yung mga kasama niya, pero totoo na may tatlo ngang boylets yun ngayon.
Haba ng hair ano? hehe.
Sabi naman ni esdi, "Mga babae talaga oo.."
Sabi ko "hinde!tatlo ang nagpaparamdam sakanya ngayon o nanliligaw ata..hindi tatlo ang bf niya! Hindi naman ganun si Pamar no. Nag-generalize ka nanaman."
Tapos eto na, tinanong ako ni esdi,
"eh sayo, wala bang nagpaparamdam sayo ngayon?"
Natigilan ako at nag-isip...
Nag-isip pa ulit...
at nag-isip pa...
aba leche!wala ata ah!
sabi ko kay esdi, "none that i know or am sure of...ay, wala pala talaga."
"Wala nga?!" sabi ko sa sarili ko.
Kaasur... buhay nga naman talaga oo... pag tagtuyot, tuyot talaga.
Hay!ika nga namin nina Pamar nung highschool, BROWNOUT!!